committed to historic Baptist & Reformed beliefs

 

history

documents

library

biography

 

Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689

A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith

 

KABANATA 2:  ANG DIYOS AT ANG BANAL NA TRINIDAD

1. Mayroon lamang isa, at tanging isang, buh? at tunay na Diyos.(1) Siya ay nabubuhay sa Kanyang sarili(2) at walang hangganan sa Kanyang pagka-Diyos at kasakdalan.(3) Siya lamang ang dalisay na Espiritu,(4) di-nakikita, walang katawan at mga sangkap na pabagu-bagong damdamin ng mga tao. Siya lamang ang walang kamatayan, at tumatahan sa kaliwanagan na di-kayang abutin ng sinuman.(5) Siya ay hindi nagbabago,(6) walang hangganan,(7) hindi malilirip,(8) makapangyarihan sa lahat at walang hanggan.(9) Siya ay kabanal-banalan,(10) lubos ang kaganapan, ganap na makapangyarihan, at ganap na malaya. Ginagawa Niya ang lahat ayon sa Kanyang di-nababagong matuwid na kalooban(11) at tungo sa Kanyang sariling kaluwalhatian.(12) Siya ay puspos ng kabutihan at katotohanan. Siya ay nagpapatawad ng kasamaan, pagsuway at kasalanan. Siya ay nagpapala sa mga humahanap sa Kanya ng buong puso.(13) Nguni't Siya ay napopoot sa lahat ng kasalanan. Hindi Niya maaaring palampasin ang kasalanan(14) o ariing walang sala ang salarin,(15) at Siya ay ganap na makatarungan sa paghatol.(16)

  1. Deut. 6:4; 1 Cor. 8:4-6; 1 Tes. 1:9
  2. Isa. 48:12; Jer. 10:10
  3. Ex. 3:14; Job 11:7-8; 26:14; Aw. 145:3; Rom. 11:33-34.
  4. Juan 4:24
  5. Deut. 4:15-16; 1 Tim. 1:17; Lu. 24:39; Gawa 14:11,15
  6. Mal. 3:6; San. 1:17
  7. Aw. 90:2; 1 Tim. 1:17
  8. 1 Hari 8:27; Jer. 23:23-24
  9. Gen. 17:1; Apoc. 4:8
  10. Isa. 6:3; 1 Ped. 1:16
  11. Aw. 115:3; Isa. 46:10; Ef. 1:11
  12. Kaw. 16:4; Rom. 11:36; 16:27
  13. Ex. 34:6-7; Heb. 11:6; 1 Juan 4:8
  14. Aw. 5:5-6
  15. Ex. 34:7; Nah. 1:2-3
  16. Neh. 9:32-33

2. Ang Diyos ay sapat sa lahat, at ang lahat ng buhay,(17) kaluwalhatian,(18) kabutihan(19) at pagpapala ay matatagpuan sa Kanya at sa Kanya lamang. Hindi Siya nangangailangan ng anuman sa Kanyang nilikha, ni hindi Siya kumukuha ng anumang bahagi ng Kanyang kaluwalhatian mula sa kanila.(20) Sa halip ay Kanyang inihahayag ang Kanyang sariling kaluwalhatian sa kanila sa pamamagitan nila. Siya ang bukal ng lahat ng buhay, at ang simula, daluyan at patutunguhan ng lahat ng mga bagay.(21) Siya ang nakapangyayari sa lahat ng Kanyang nilikha. Ginagamit Niya ang Kanyang nilikha ayon sa Kanyang kaluguran, at ginagawa ang lahat ng Kanyang loobin.(22) Ang lahat ng mga bagay ay nakalantad sa Kanyang paningin.(23) Ang Kanyang kaalaman ay hindi maaaring magkamali,(24) sapagka't ito'y hindi nakasalalay sa anumang nilikha. Siya ay kabanal-banalan sa lahat ng Kanyang pasiya, mga gawain(25) at mga kautusan. Ang mga anghel at ang mga tao'y dapat sumamba,(26) maglingkod at tumalima, at ibigay ang anumang Kanyang hingin sa kanila bilang kanilang Manlilikha.

  1. Juan 5:26; 1 Tim. 6:15,16
  2. Aw. 148:13; Gawa 7:2
  3. Aw. 119:68
  4. Job 22:2-3; Gawa 17:24-25
  5. Rom. 11:34-36
  6. Dan. 4:25, 34-35; Apoc. 4:11
  7. Heb. 4:13
  8. Aw. 147:5; Ez. 11:5; Gawa 15:18
  9. Aw. 145:17
  10. Apoc. 5:12-14

3. May tatlong Persona sa iisang Diyos - ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu.(27) Sila ay isa sa kabuuan, sa kapangyarihan at sa kawalang-hanggan. Ang bawa't Isa ay ganap na Diyos, gayon man ang pagka-Diyos ay iisa at di-nahahati.(28) Ang buhay ng Ama ay walang pinanggalingan. Siya ang Ama ng Kanyang bugtong na Anak(29) na mula sa walang hanggan. Ang Banal na Espiritu ay nagbuhat sa Ama at sa Anak.(30) Ang tatlong Personang ito ay iisang Diyos na di-mahahati sa kalikasan o buhay. Kinikilala ng Banal na Kasulatan ang Kanilang pagkakaiba-iba sa Kanilang personal na kaugnayan sa pagka-Diyos at sa iba't iba Nilang gawain. Ang tatlong Persona na iisang Diyos ay batayan ng lahat ng ating pakikipag-ugnayan sa Diyos.

  1. Mat. 3:16-17; 28:19; 2 Cor. 13:14
  2. Ex. 3:14; Juan 14:11; 1 Cor. 8:6
  3. Kaw. 8:22-31; Juan 1:1-3,14,18; 3:16; 10:36; 16:28; Heb. 1:2; 1 Juan 4:14; Gal 4:4-6
  4. Juan 14:26; 15:26
 
 
The Reformed Reader Home Page 


Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved