committed to historic Baptist & Reformed beliefs

 

history

documents

library

biography

 

Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689

A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith

 

KABANATA 3:  ANG PAGTATAKDA NG DIYOS (GOD'S DECREE)

1. Mula sa walang hanggang pasimula, itinakda ng Diyos ang lahat ng mangyayari sa panahon.(1) Ito ay Kanyang ginawa na malaya at walang pagpapalit, na sinangguni lamang ang Kanyang sariling marunong at banal na kalooban.(2) Gayon pa man, hindi Siya ang may-akda ng kasalanan ni naging bahagi nito sa anumang paraan.(3) Hindi rin Niya nilabag ang kalooban ng alin mang nilikha; ni isina-isang tabi ang likas na kalayaan ng ikalawang sanhi, bagkus ang mga ito ay itinatag pa nga.(4) Sa lahat ng ito, ang Kanyang ganap na karunungan, kapangyarihan at katapatan ay nakikita sa pagsasakatuparan ng Kanyang mga itinakda.(5)

  1. Aw. 115:3; 135:6; Kaw. 19:21; Isa. 14:24-27; 46:10-11; Ef. 1:11; Heb. 6:17; Rom. 9:15,18-19
  2. Dan. 4:34-35; Rom. 8:28; 11:36; Ef. 1:11
  3. Gen. 18:25; San. 1:13-15; 1 Juan 1:5
  4. Gen. 50:20; 2 Sam. 24:1; Isa. 10:5-7; Mat. 17:12; Juan 19:11; Gawa 2:23; 4:27-28;
  5. Num. 23:19; Ef. 1:3-5

2. Ang pagtatakda ng Diyos ay hindi batay sa Kanyang paunang kaalaman ng mga mangyayari(6) ayon sa ilang kondisyon.(7)

  1. 1 Sam. 23:11-12; Mat. 11:21,23; Gawa 15:18
  2. Isa. 40:13-14; Rom. 9:11-18; 11:34; 1 Cor. 2:16

3. Ayon sa pagtatakdang nagtatanghal ng Kanyang kaluwalhatian, ang Diyos ay humirang ng mga tao at mga anghel sa buhay na walang hanggan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.(8) Dito ay nahayag ang kapurihan ng Kanyang biyaya.(9) Ang iba naman ay hinayaan sa kanilang kasalanan, at matuwid na hatol, at dito ay nahayag ang kapurihan ng Kanyang katarungan.(10)

  1. . Mat. 25:34; 1 Tim. 5:21
  2. Ef. 1:5,6
  3. Juan 12:37-40; Rom. 9:6-24; 1 Ped. 2:8-10; Jud. 4

4. Ang paghirang ng Diyos sa mga anghel at mga tao ay may tiyak na bilang at hindi mababago.(11)

  1. Mat. 22:1-14; Juan. 13:18; Rom. 11:5-6; 1 Cor. 7:20-22; 2 Tim. 2:19

5. Ang mga tao na itinakda sa buhay na walang hanggan ay hinirang ng Diyos bago pa itinatag ang sanlibutan. Sila'y hinirang kay Cristo ayon sa malayang biyaya at pag-ibig(12) at hindi dahil sa anumang sanhi na nasa Kanyang nilalang. Ang lahat ng ito ay ayon sa Kanyang di-nagbabagong layon at di-matarok na panukala.(13)

  1. Ef. 1:4-6,9,11; Rom. 8:30; 2 Tim. 1:9; 1 Tes. 5:9
  2. Rom. 9:11-16; 11:5-6; Ef. 2:5,12

6. Maging ang mga hinirang ng Diyos, ang mga anak ni Adan, ay kasama sa pagkahulog sa kasalanan. Kaya't bukod sa pagtatakda sa kanila sa kaluwalhatian ay itinakda rin ng Diyos ang lahat ng kaparaanan(14) tungo sa kanilang mabisang pagtawag sa pananampalataya at katubusan kay Cristo.(15) Sila'y inaaring-ganap, kinukupkop, pinababanal(16) at iniingatan ng Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pananampalataya.(17) Tanging ang hinirang lamang ang may bahagi sa dakilang pagpapala ng kaligtasan.(18)

  1. Ef. 1:4; 2:10; 2 Tes. 2:13; 1 Ped. 1:2
  2. 1 Tes. 5:9-10; Tit. 2:14
  3. Rom. 8:30; Ef. 1:5; 2 Tes. 2:13
  4. 1 Ped. 1:5
  5. Juan 6:64-65; 8:47; 10:26; 17:9; Rom. 8:28; 1 Juan 2:19

7. Ang malalim na hiwaga ng pagtatakda ay dapat na gamitin na may tanging pag-iingat at karunungan.(19) Sila'y magpapasakop sa kalooban ng Diyos at sa Kanyang Salita at makakatiyak ng kanilang pagkahirang mula sa katiyakan ng kanilang mabisang pagkatawag.(20) Sa ganitong paraan ang katuruang ito ay magtataguyod sa pagpuri, paggalang at paghanga sa Diyos.(21) Ito rin ay pupukaw ng kababaang-loob,(22) pagsisikap(23) at kaaliwan sa lahat na sumusunod sa ebanghelyo.(24)

  1. Deut. 29:29; Rom. 9:20; 11:33
  2. 1 Tes. 1:4-5; 2 Ped. 1:10
  3. Ef. 1:6; Rom. 11:33
  4. Rom. 11:5-6,20; Col. 3:12
  5. 2 Ped. 1:10
  6. Lu. 10:20
 
 
The Reformed Reader Home Page 


Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved