|
Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689
A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith
1. Nang pasimula ay nalugod ang Diyos - Ama, Anak at Banal na Espiritu(1) - na likhain ang sanlibutan at lahat ng bagay na nandoon(2) sa loob ng anim na araw.(3) Ang lahat ay pawang napakabuti.(4) Sa ganitong paraan ay niluwalhati ng Diyos ang Kanyang walang hanggang kapangyarihan, kabutihan at karunungan.(5)
- Gen. 1:2; Job 26:13; 33:4; Juan 1:2-3; Heb. 1:2;
- Gen. 1:1; Juan 1:2; Col. 1:16
- Gen. 2:1-3; Ex. 20:8-11
- Gen. 1:31; Ec. 7:29; Rom. 5:12
- Aw. 33:5-6; 104:24; Kaw. 3:19; Jer. 10:12; Gawa 14:15-16; Rom. 1:20
2. Ang lahat ng nilalang ay ginawa ng Diyos. Ang panghuli na nilikha ay ang lalaki at babae na binigyan ng kapamahalaan sa lahat ng ibang nilikha sa ibabaw ng lupa. Ang Diyos ay nagbigay sa lalaki at babae ng kakayahang mangatuwiran at walang kamatayang kaluluwa.(6) Ang kanyang buong pagkatao ay inakma sa isang buhay na may pagkakasundo sa Diyos. Sila ay nilikha ayon sa Kanyang wangis, na nagtataglay ng kaalaman, katuwiran at tunay na kabanalan.(7) Ang banal na utos ng Diyos ay isinulat sa kanilang mga puso(7) at mayroon silang kakayahang sundin ang mga ito nang lubusan. Gayon man, dahil sila ay binigyang layang gamitin ang kanilang kalooban, maaari silang magkasala.(8)
- Gen. 1:27; 2:7; Ec. 12:7; Mat. 10:28; San. 2:26
- Gen. 1:26-27; 5:1-3; 9:6; Ec. 7:29; 1 Cor. 11:7; Ef. 4:24; Col. 3:10; San. 3:9
- Gen. 3:6; Ec. 7:29; Rom. 1:32; 2:12a,14-15; 5:12
3. Ang kautusan ng Diyos ay nasulat sa mga puso nina Adan at Eba. Nguni't pinagbawalan silang kumain ng bunga ng puno ng pagkakilala ng mabuti at masama.(9) Ang kanilang kaligayahan at pakikisama sa Diyos ay nababatay sa kanilang ganap na pagsunod sa kalooban ng Diyos, gayon din ang pagpapatuloy ng kanilang pamamahala sa lahat ng nilikha.
- Gen. 1:26,28; 2:17
The Reformed Reader Home Page
Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved |