|
Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689
A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith
1. Ang agwat ng Diyos at tao ay napakalayo. Bagama't may isip na nilikha ay dapat siyang sumunod sa kanyang Maylikha, sa kanyang sarili ay hindi niya kayang makaabot sa gantimpala ng buhay. Tanging sa kusang pagpapakababa ng Diyos at sa pamamagitan ng tipan maaa-ring maganap ang ugnayan sa Diyos.(1)
- Job 35:7-8; Aw. 113:5-6; Isa. 40:13-16; Lu. 17:5-10; Gawa 17:24-25
2. Yamang ang tao ay nahulog sa pagkakasala at napailalim sa sumpa ng kautusan ng Diyos, kinalugdan pa rin ng Diyos na gumawa ng isang tipan ng biyaya.(2) Dito ay malaya Niyang inialok ang buhay at kaligtasan sa makasalanan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Hinihingi ng Diyos na sila'y sumampalataya kay Cristo upang maligtas.(3) Kanya ring ipinangako na ibibigay ang Banal na Espiritu sa lahat ng Kanyang hinirang sa buhay na walang hanggan, upang sila'y magkusa at magkaroon ng kayang sumampalataya.(4)
- Gen. 3:15; Aw. 110:4 (at Heb. 7:18-22; 10:12-18); Ef. 2:12 (at Rom. 4:13-17; Gal. 3:18-22); Heb. 9:15
- Mar. 16:15-16; Juan 3:16; Rom. 10:6,9; Gal. 3:11
- Ez. 36:26-27; Juan 6:44-45
3. Ang tipan ng Diyos ay ipinahayag sa ebanghelyo; una kay Adan, sa pangako ng kaligtasan, "sa pamamagitan ng binhi ng babae",(5) at pagkatapos ay nagpatuloy hanggang sa ganap na pagpapahayag ng kaligtasan sa Bagong Tipan.(6) Ang kaligtasan ng mga hinirang ay batay sa kasunduan ng Ama at Anak noong walang hanggang pasimula.(7) Nagtamo ng buhay na walang hanggan ang mga naligtas mula sa lahi ni Adan sa pamamagitan lang ng biyaya na dulot ng tipang ito. Ang tao ay walang magagawa upang maging katanggap-tanggap sa harapan ng Diyos batay sa mga kondisyon na ibinigay kay Adan noong siya ay di pa nagkakasala.(8)
- Gen. 3:15
- Rom. 16:25-27; Ef. 3:5; Tit. 1:2; Heb. 1:1-2
- Aw. 110:4; Ef. 1:3-11; 2 Tim. 1:9
- Juan 8:56; Gawa 4:12; Rom. 4:1-25; Gal. 3:18-22; Heb. 11:6,13,39-40
The Reformed Reader Home Page
Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved |