committed to historic Baptist & Reformed beliefs

 

history

documents

library

biography

 

Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689

A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith

 

KABANATA 9:  ANG KALAYAAN NG KALOOBAN NG TAO

1. Nilikha ng Diyos ang tao na may likas na kalayaan ng kalooban at kapangyarihan na gumawa ayon sa kanyang nais. Hindi siya mapipilit na gumawa ng mabuti o masama.(1)

  1. Deut. 30:19; Mat. 17:12; San. 1:14

2. Sa orihinal na kabanalan ng tao, siya ay may kalayaan at kapangyarihan na loobin at gawin ang mabuti at kalugud-lugod sa Diyos.(2) Nguni't, yamang hindi matatag, ay maaari siyang mahulog sa kasalanan.(3)

  1. Ec. 7:29
  2. Gen. 3:6

3. Sa kanyang pagkahulog sa kasalanan, lubusang nawala ang kakayahan ng tao na loobin at gawin ang anumang espirituwal na kabutihan.(4) Ang tao sa kanyang kalikasan ay patay dahil sa kasalanan(5) at pawang laban sa anumang mabuti. Hindi niya kaya, sa kanyang sariling lakas, na magbalik-loob sa Diyos o ihanda man lamang ang kanyang sarili sa pagbabalik-loob sa Diyos.(6)

  1. Jer. 13:23; Mat. 7:17-18; 12:33-37; Lu. 6:43-45; Juan 3:3,5; 5:40; 6:37,39,40,44,45,65; 8:31-34; Gawa 7:15; Rom. 3:10-12; 5:6, 6:16,20; 8:7; 1 Cor. 2:14; 2 Cor. 3:14; 4:3-4;
  2. Ef. 2:1,5
  3. Juan 1:12-13; 6:44; Gawa 11:18; Rom. 9:16-18; Ef. 2:8-9; Fil. 1:29; Tit. 3:3-5

4. Kapag binago ng Diyos ang isang makasalanan sa kalagayan ng biyaya, pinalalaya siya ng Diyos sa kanyang pagkaalipin sa kasalanan.(7) Sa pamamagitan ng Kanyang biyaya lamang, binibigyan Niya siya ng kakayahan na loobin at gawin ang espirituwal na kabutihan.(8) Gayon pa man, may nananatili pang kasalanan sa kanya kung kaya't hindi lamang niya niloloob ang gumawa ng mabuti, kundi gayon din ng masama.(9)

  1. Col. 1:13; Juan. 8:36
  2. Fil. 2:13
  3. Rom. 7:14-25; Gal. 5:17

5. Sa pagpasok lamang ng taong iniligtas sa kaluwalhatian, saka ang kanyang kalooban ay nagiging ganap at lubusang malaya na gumawa ng mabuti lamang.(10)

  1. Ef. 4:13; Heb. 12:23
 
 
The Reformed Reader Home Page 


Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved