committed to historic Baptist & Reformed beliefs

 

history

documents

library

biography

 

Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689

A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith

 

KABANATA 12:  ANG PAGKUKUPKOP

1. Ang lahat ng mga inaring-ganap ay minarapat ng Diyos, alang-alang sa Kanyang bugtong na Anak na si Jesu-Cristo, na tumanggap ng biyaya ng pagkukupkop.(1) Sa pamamagitan nito, sila ay ibinibilang, at nagtatamasa ng mga kalayaan at karapatan ng mga anak ng Diyos.(2) Tinatawag silang mga anak ng Diyos.(3) Tinatanggap nila ang espiritu ng pagkukupkop(4) at nakalalapit sila sa luklukan ng biyaya nang may pagtitiwala. Maaari silang tumawag ng "Abba, Ama!".(5) Sila ay kinahahabagan,(6) iniingatan,(7) pinagkakalooban ng mga pangangailangan,(8) at dinidisiplina Niya sila bilang isang Ama.(9) Gayon ma'y hindi sila kailanman itinataboy(10) kundi tinatakan hanggang sa araw ng Katubusan,(11) at minamana nila ang mga pangako bilang tagapagmana ng walang hanggang kaligtasan.(12)

  1. Ef. 1:5; Gal. 4:4-5; 1 Juan 3:1-3
  2. Juan 1:12; Rom. 8:17,29
  3. 2 Cor. 6:18; Apoc. 3:12
  4. Rom. 8:15
  5. Rom. 5:2; Gal. 4:6; Ef. 2:18; 3:12;
  6. Aw. 103:13
  7. Kaw. 14:26
  8. Mat. 6:30,32; 1 Ped. 5:7
  9. Heb. 12:6
  10. Isa. 54:8-9; Panag. 3:31
  11. Ef. 4:30
  12. Rom. 8:17; Heb. 1:14, 6:12; 9:15
 
 
The Reformed Reader Home Page 


Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved