committed to historic Baptist & Reformed beliefs

 

history

documents

library

biography

 

Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689

A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith

 

KABANATA 15:  ANG PAGSISISI TUNGO SA BUHAY AT KALIGTASAN

1. Ang ilan sa mga hinirang ay naligtas nang sila ay matanda na. Maraming taon silang nabuhay ayon sa kanilang likas na kalagayan.(1) Sa ganitong kalagayan, sinunod nila ang kanilang masasamang pita at kalayawan. Nang sila ay mabisa at makapangyarihang tinawag ng Diyos, binigyan Niya sila ng pagsisisi tungo sa buhay na walang hanggan.(2)

  1. Tit. 3:2-5
  2. 2 Cron. 33:10-20; Gawa 9:1-19; 16:29-30

2. Walang matuwid sa lupa na gumagawa ng mabuti at hindi nagkakasala.(3) Ang pinakamabuti sa mga tao ay maaaring mahulog sa napakasamang kasalanan na ikinapopoot ng Diyos. Ito ay dahil sa kapangyarihan at karayaan ng kanilang nananatiling kasamaan at kapangyarihan ng tukso.(4) Ayon sa tipan ng biyaya, ipinagkaloob ng mahabaging Diyos na manumbalik sa pamamagitan ng pagsisisi sa ikaliligtas ang mananampalataya na nahulog sa kasalanan.(5)

  1. Aw. 130:3; 143:2; Kaw. 20:9; Ec. 7:20
  2. 2 Sam. 11:1-27; Lu. 22:54-62
  3. Jer. 32:40; Lu. 22:31-32; 1 Juan 1:9

3. Ang nakapagliligtas na pagsisisi ay kaloob ng Diyos.(6) Sa pamamagitan nito, ipinararamdam ng Banal na Espiritu sa tao ang iba't ibang kasamaan ng kanyang kasalanan.(7) Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo,(8) pinagpapakumbaba niya ang kanyang sarili dahil sa kasalanan. Ang pagpapakumbabang ito ay ipinakikita sa pamamagitan ng kalumbayan mula sa Diyos, kapootan sa kasalanan at pagkasuklam sa sarili. Kasama nito ang panalangin para sa kapatawaran ng kasalanan at kalakasan na nagmumula sa biyaya ng Diyos.(9) Siya ay may layunin at pagsisikap sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu na mamuhay nang lubos na nakalulugod sa Diyos sa lahat ng bagay.(10)

  1. Gawa 5:31; 11:18; 2 Tim. 2:25
  2. Aw. 51:1-6; 130:1-3; Lu. 15:17-20; Gawa 2:37-38
  3. Aw. 130:4; Mat. 27:3-5; Mar. 1:15
  4. Ez. 16:60-63; 36:31-32; Zac. 12:10; Mat. 21:29; Gawa 15:19; 20:21; 26:20; 2 Cor. 7:10-11; 1 Tes. 1:9
  5. Aw. 119:59,104,128; Kaw. 28:13; Ez. 18:30-31; 36:25; Mat. 3:8; Lu. 3:8; Gawa 26:20; 1 Tes. 1:9

4. Ang pagsisisi ay dapat na nagpapatuloy sa buong buhay dahil sa ating katawang may kamatayan na may hilig sa pagkakasala.(11) Kaya tungkulin ng bawa't tao na magsisi sa bawa't kasalanang nalalaman niya.(12)

  1. Ez. 16:60; Mat. 5:4; 1 Juan 1:9
  2. Lu. 19:8; Rom. 6:12; 1 Tim. 1:13-15

5. Sa tipan ng biyaya, ipinagkakaloob ng Diyos ang pag-iingat ng mga mananampalataya sa kanilang kalagayan ng kaligtasan. Kahit na ang pinakamaliit na kasalanan ay dapat hatulan.(13) Walang paghatol sa taong nagsisisi gaano man kalaki ang kanyang kasalanan. Kaya nga ang palagiang pangangaral ng pagsisisi ay lubhang kinakailangan.(14)

  1. Aw. 130:3; 143:2; Rom. 6:23
  2. Isa. 1:16-18; 55:7; Gawa 2:36-38
 
 
The Reformed Reader Home Page 


Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved