committed to historic Baptist & Reformed beliefs

 

history

documents

library

biography

 

Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689

A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith

 

KABANATA 16:  MABUBUTING GAWA

1. Ang mabubuting gawa ay yaon lamang mga gawaing iniuutos ng Diyos sa Kanyang Banal na Salita.(1) Ang mga gawaing kinatha ng tao mula sa bulag na pagsisikap o sa pagpapanggap lamang ng mabuting layon ay hindi mabuti, sapagka't walang pahintulot ang mga ito ng Banal na Kasulatan.(2)

  1. Mik. 6:8; Rom. 12:2; Col. 2:3; 2 Tim. 3:16-17; Heb. 13:21
  2. 1 Sam. 15:21-23; Mat. 15:9 at Isa. 29:13; Juan 16:2; Rom. 10:2; 1 Cor. 7:23; Gal. 5:1; Col. 2:8,16-23; 1 Ped. 1:18

2. Ang mga tunay na mabubuting gawa na ginanap sa pagsunod sa mga kautusan ng Diyos ay ang mga bunga at katibayan ng isang tunay at buhay na pananampalataya.(3) Sa pamamagitan nito inihahayag ng mga mananampalataya ang kanilang pasasalamat,(4) pinalalakas ang katiyakan ng kaligtasan,(5) pinatitibay ang mga kapatiran,(6) pinabubuti ang kanilang patotoo(7) at pinatatahimik ang mga laban sa Salita ng Diyos.(8) Samakatuwid, niluluwalhati nila ang Diyos na gumawa sa kanila na maging bagong nilalang kay Cristo.(9) Dahil dito, sila ay namumunga ng mabubuting gawa sa ikababanal tungo sa buhay na walang hanggan.(10)

  1. Gal. 5:6; 1 Tim. 1:5; San. 2:18-22
  2. Aw. 116:12-14; Lu. 7:36-50 at Mat. 26:1-11; 1 Ped. 2:9
  3. 2 Ped. 1:5-11; 1 Juan 2:3-5; 3:18-19
  4. Mat. 5:16; 2 Cor. 9:2
  5. Mat. 5:16; 1 Tim. 6:1; Tit. 2:5,9-12 1 Ped. 2:12
  6. 1 Tim. 6:1; Tit. 2:5; 1 Ped. 2:12;
  7. Mat. 5:16; Ef. 2:10; Fil. 1:1l; 1 Tim. 6:1; 1 Ped. 2:12;
  8. Mat. 7:13-14,21-23; Rom. 6:22

3. Ang kakayahan ng mga mananampalataya na gumawa ng mabuti ay hindi sa kanilang sarili kundi tanging sa Espiritu ni Cristo lamang. Bukod sa mga kaloob ng biyaya na tinanggap nila sa pasimula, kailangan pa nila ang tunay na kapangyarihan upang mabigyan sila ng pagnanais at kakayahang makaganap ng mga gawang ayon sa Kanyang mabuting kalooban.(11) Datapuwa't, hindi ito nangangahulugan na kung wala ang tanging kapangyarihang iyan ay malaya na nilang ipagwalang-bahala ang kanilang tungkulin, sapagka't dapat silang maging masipag sa pagpapasigla ng biyaya ng Diyos na nasa kanila.(12)

  1. Ez. 36:26-27; Juan 15:4-6; 2 Cor. 3:5; Ef. 2:10; Fil. 2:12-13
  2. Juan 3:8; Rom. 8:14; Fil. 2:12-13; 2 Tim. 1:6; Heb. 6:11,12; 2 Ped. 1:10; Jud .20-21

4. Gaano man kataas ang maabot ng mananampalataya sa kanyang pagsunod sa Diyos sa buhay na ito ay hindi pa rin ito labis na pagtupad sa tungkulin kundi ito'y kulang na kulang pa sa kanilang nararapat na gawin.(13)

  1. 1 Hari 8:46; 2 Cron. 6:36; Job 9:2-3; Aw. 130:3; 143:2: Kaw. 20:9; Ec. 7:20; Lu. 17:10; Rom. 3:9,23; 7:14-15; Gal. 5:17; 1 Juan 1:6-10

5. Hindi tayo marapat sa kapatawaran ng kasalanan o buhay na walang hanggan mula sa kamay ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga pinakamabuting gawa sapagka't ang mga gawang yaon ay hindi sapat sa kaluwalhatiang darating.(14) Bukod pa roon, mayroong walang hanggang agwat sa pagitan natin at ng Diyos. Wala tayong mga gawa na nakapagbibigay sa Kanya ng kapakinabangan o kabayaran sa pagkakautang ng ating mga dating kasalanan. Tunay nga na kapag nagawa na natin ang lahat ng ating magagawa ay atin lamang ginawa ang ating tungkulin at nananatili pa rin tayong mga walang kabuluhang alipin.(15) Ang ating mabubuting gawa ay mabuti lamang dahil sa galing sila sa Banal na Espiritu.(16) Gayon pa man, dahil sa ito'y gawa natin, ito ay narurumihan at nahahaluan ng labis na kahinaan at kamalian na hindi nito matagalan ang kabigatan ng paghatol ng Diyos.(17)

  1. Rom. 8:18
  2. Job 22:3; Lu. 17:10; Rom. 4:3; 11:13;
  3. Gal. 5:22-23
  4. 1 Hari 8:46; 2 Cron. 6:36; Aw. 130:3; 143:2; Kaw. 20:9; Ec. 7:20; Isa. 64:6; Rom. 3:9,23; 7:14-15; Gal. 5:17; 1 Juan 1:6-10

6. Gayon pa man, kung paanong tinatanggap ng Diyos kay Cristo ang mga mananampalataya, gayon din tinatanggap ang kanilang mga gawa kay Cristo.(18) Ang mga mananampalataya sa buhay na ito ay hindi pa sakdal at lubos na walang sala.(19) Datapuwa't sa pagkakita Niya sa kanila sa Kanyang Anak ay kinalulugdan silang tanggapin at gantimpalaan ang kanilang gawang matapat, kahit na ito ay maraming kahinaan at kamalian.(20)

  1. Ex. 28:38; Ef. 1:6-7; 1 Ped. 2:5
  2. 1 Hari 8:46; 2 Cron. 6:36; Aw. 130:3; 143:2; Kaw. 20:9; Ec. 7:20; Rom. 3:9,23; 7:14-15; Gal. 5:17; 1 Juan 1:6-10
  3. Mat. 25:21-23; Heb. 6:10

7. Ang mga ginawa ng mga di-ipinanganak na muli ay nananatili pa ring gawang makasalanan, kahit na ang mga ito ay iniutos ng Diyos at kapaki-pakinabang sa kanilang sarili at sa mga iba.(21) Ito ay dahil sa ang mga ito ay hindi nanggaling sa pusong nilinis ng pananampalataya.(22) Hindi sila ginawa sa tamang paraang ayon sa Salita ng Diyos.(23) Hindi sila ginawa sa layuning luwalhatiin ang Diyos.(24) Kaya hindi sila makapagbibigay lugod sa Diyos, ni hindi sila maaaring maging marapat na tumanggap ng biyaya.(25) Gayon pa man, ang pagpapabaya sa mga ito ay higit na makasalanan at di-makapagbibigay lugod sa Diyos kaysa sa pagganap ng mga yaon.(26)

  1. 1 Hari 21:27-29; 2 Hari 10:30-31; Rom. 2:14; Fil. 1:15-18
  2. Gen. 4:5 at Heb. 11:4-6; Rom. 14:23; Gal. 5:6; 1 Tim. 1:5
  3. Isa. 1:12; 1 Cor. 13:3
  4. Mat. 6:2-6; 1 Cor. 10:31;
  5. Amos 5:21-22; Rom. 9:16; Tit. 1:15; 3:5
  6. 1 Hari 21:27-29; 2 Hari 10:30-31; Aw. 14:4; 36:3
 
 
The Reformed Reader Home Page 


Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved