committed to historic Baptist & Reformed beliefs

 

history

documents

library

biography

 

Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689

A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith

 

KABANATA 20:  ANG EBANGHELYO AT ANG ABOT NG BIYAYANG ITO

1. Ang mga tipan ng mga gawa ay nilabag ng kasalanan ng mga tao at hindi nakapagbigay-buhay. Ikinalugod ng Diyos na ipangako si Cristo na binhi ng babae at sa pamamagitan Niya ay tatawagin ang mga hinirang at bubuhayin ang pananampalataya at pagsisisi sa kanilang puso. Sa pangakong ito ang pinakadiwa ng ebanghelyo ay nahayag bilang mabisang paraan sa panunumbalik at pagliligtas ng mga makasalanan. (1)

  1. Gen. 3:15 at Ef. 2:12; Lu. 2:25,38; 23:51; Rom. 4:13-16; Gal. 3:15-22; 4:4; Heb. 11:13; Apoc. 13:8

2. Ang pangako ni Cristo at kaligtasan sa pamamagitan Niya ay nahayag sa mga tao sa pamamagitan ng Salita ng Diyos lamang.(2) Hindi ang mga gawa ng paglikha at probidensiya sa liwanag ng kalikasan, ni sa pangkalawakan o malabong paraan man(3) ang naghahayag kay Cristo at sa Kanyang biyaya sa mga tao. Ang mga taong walang pagpapahayag ni Cristo sa pamamagitan ng pangako ay lalong hindi maaari, sa kanilang sariling paraan, na magkaroon ng nakaliligtas na pananampalataya o pagsisisi.(4)

  1. Gawa 4:12; Rom. 10:13-15
  2. Aw. 19; Rom. 1:18-23
  3. Mat. 28:18-20; Lu. 24:46-47 at Gawa 17:29-30; Rom. 2:12a; 3:9-20

3. Ang pagpapahayag ng ebanghelyo sa mga makasalanan ay isinagawa sa iba't ibang paraan at iba't ibang lugar, ayon sa makapangyarihan at kalugud-lugod na kalooban ng Diyos.(5) Ito ay ipinagkakaloob sa mga banal at mga tao, na may mga pangako at pagtuturo ukol sa pagsunod sa ebanghelyo. Ang pangako ng pagpapahayag ng ebanghelyo ay hindi batay sa anumang mabuting paggamit ng mga tao ng kanilang likas na kakayahan na nanggaling sa likas na liwanag na karaniwan sa lahat. Kailanman ay walang taong gumamit ng kaliwanagang ito, ni hindi maaari.(6) Samakatuwid, sa lahat ng panahon, ang ebanghelyo ay nahayag at ipinagkaloob sa mga tao at mga bansa, pinalawak man o pinakitid, sa iba't ibang paraan ayon sa minagaling ng Kanyang kalooban.

  1. Mat. 11:20; Gawa 16:7
  2. Rom. 1:18-32; 3:10-12; 8:7-8

4. Ang ebanghelyo ang tanging panlabas na paraan ng pagpapahayag sa mga tao kay Cristo at sa nakaliligtas na biyaya. Ito ay lubusang sapat sa ganitong layunin.(7) Subali't upang ang tao na patay sa kanilang mga kasalanan ay maipanganak na muli o mabuhay, mayroon pang higit na kinakailangan: ang mabisa at matagumpay na gawain ng Banal na Espiritu sa bawa't bahagi ng kaluluwa ng tao. Sa ganitong gawain, isang bagong buhay espirituwal ang nalilikha. Wala nang ibang gawain ang makapagdudulot ng panunumbalik sa Diyos.(8)

  1. Rom. 1:16-17
  2. Juan 6:44; 1 Cor. 1:22-24; 2:14; 2 Cor. 4:4-6
 
 
The Reformed Reader Home Page 


Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved