|
Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689
A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith
1. Binili ni Cristo ang kalayaang nasa ebanghelyo para sa lahat ng mga mananampalataya. Ito ay binubuo ng kalayaan mula sa pagiging maysala, sa paghatol dahil sa sala, sa kapootan ng Diyos at sa sumpa at kahigpitan ng kautusan ng Diyos.(1) Kasama rin nito ang pagliligtas mula sa kasalukuyang masamang sanlibutang ito, at mula sa lahat ng ganyang mga bagay tulad ng pagkaalipin kay Satanas, paghahari ng kasalanan,(2) ng sam?ng mga pagdurusa, ng takot at tibo ng kamatayan, ng pagtatagumpay ng libingan at walang hanggang kapahamakan.(3) Bukod dito, mayroon ding malayang paglapit sa Diyos at kusang pagsunod sa Kanya, hindi tulad ng aliping may takot sa kanyang panginoon, kundi isang anak na may pag-ibig at pagkukusa.(4)
Ang lahat ng mga pagpapalang ito ay tinamasa ng mga mananampalataya sa panahon ng Lumang Tipan.(5) Nguni't sa panahon ng Bagong Tipan, ang kalayaan ng mga Cristiano ay lalong malawak. Saklaw nito ang kalayaang mula sa kabigatang dulot ng mga kautusang ukol sa seremonya na kinapapailaliman ng iglesia ng Hudyo at higit na pagkakatiwala sa paglapit sa luklukan ng biyaya ng Diyos. Gayon din, may mas higit na bahagi ng Espiritu ng Diyos na karaniwang ipinagkakaloob kaysa sa mga mananampalataya nang panahon ng Lumang Tipan.(6)
- Juan 3:36; Rom. 6:33; Gal. 3:13
- Gawa 26:18; Rom. 6:14-18; 8:3; Gal. 1:4; Ef. 2:1-3; Col. 1:13
- Rom. 8:28; 1 Cor. 15:54-57; 1 Tes. 1:10; Heb. 2:14-15
- Rom. 8:15; Ef. 2:18; 3:12; 1 Juan 4:18
- Aw. 19:7-9; 119:14,24,45,47,48,72,97; Juan 8:32; Rom. 4:5-11; Gal. 3:9; Heb. 11:27,33-34
- Juan 1:17; 7:38-39; Gal. 2:11-12; 4:1-3; Col. 2:16-17; Heb. 1:1-2a; 7:19,22; 8:6; 9:23; 10:19-21; 11:40
2. Ang Diyos lamang ang Panginoon ng budhi.(7) Pinalaya Niya ang budhi sa lahat ng mga tungkulin na tumanggap o sumunod sa anumang pagtuturo o kautusan ng mga tao, kung ito ay salungat sa Salita ng Diyos o hindi nakatala rito.(8) Tunay na ang maniwala at sumunod sa ganyang pagtuturo at kautusan dahil sa budhi ay isang pagtataksil sa tunay na kalayaan ng budhi.(9) Ang paghingi ng lubos na pananampalataya at ganap at bulag na pagsunod ay pagwasak sa kalayaan ng budhi at laban din sa lahat ng pangangatwiran.(10)
- San. 4:12; Rom. 4:14; Gal. 5:1
- Gawa 4:19, 5:29; 1 Cor. 7:23; Mat. 15:9
- Gal. 1:10; 2:3-5; 5:1; Col. 2:20-23
- Juan 4:22; Gawa 17:11; Rom. 10:17; 14:23; 1 Cor. 3:5; 2 Cor. 1:24
3. Ang paggawa ng anumang kasalanan o pagtatanim ng masamang pagnanasa na idinadahilan ang paggamit ng kalayaang Cristiano ay nagbabaluktot sa pangunahing layunin ng biyaya ng ebanghelyo, sa ikapapahamak ng gumagawa nito.(11) Lubusan nilang winawasak ang pinakalayunin ng kalayaang Cristiano. Kung gayon, ang mga tao ng Panginoon na pinalaya sa kamay ng kanilang mga kaaway, ay maglilingkod sa Kanya ng walang takot, sa kabanalan at katuwiran sa harap Niya sa lahat ng kanilang mga araw.(12)
- Rom. 6:1-2
- Lu. 1:74-75; Rom. 14:9; Gal. 5:13; 2 Ped. 2:18-21
The Reformed Reader Home Page
Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved |