|
Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689
A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith
1. Ang matuwid na pagsumpa ay isang bahagi ng banal na pagsamba. Ang taong sumusumpa sa katotohanan, katuwiran at katarungan ng Diyos ay taimtim na tumatawag sa Kanya na saksihan ng Diyos ang isinumpa, at hatulan siya ayon sa katotohanan o kasinungalingan nito.(1)
- Ex. 20:7; Deut. 10:20; Lev. 19:12; 2 Cron. 6:22-23; 2 Cor. 1:23
2. Ang sumpa ay makatuwiran lamang kapag ito ay ginagawa na may banal na pagkatakot at paggalang sa pangalan ng Diyos. Ang manumpa ng walang kabuluhan o walang ingat sa pamamagitan ng maluwalhati at kakila-kilabot na Pangalang yaon, o ang manumpa sa anumang paraan sa pamamagitan ng anumang bagay, ay makasalanan at dapat kasuklaman.(2) Ipinahihintulot ng Salita ng Diyos ang pagsumpa kapag isinaalang-alang ang mabibigat at mahahalagang bagay, at kapag kinakailangang pagtibayin ang katotohanan, at kapag ninanasa ang pagwawakas ng labanan. Sa ganitong pagkakataon, ipinahihintulot na manump?ng tuwid sa iniaatas ng kapamahalaan.(3)
- Ex. 20:7; Deut. 6:13; Jer. 5:7
- Gen. 24:3; 47:30-31; 50:25; Ex. 22:11; Blg. 5:19,21; 1 Hari 8:31; 17:1; Ezra 10:5; Neh. 5:12; 13:25; Isa. 45:23; 65:16; Mat. 26:62-64; Gawa 18:18; Rom. 1:9; 2 Cor. 1:23; Heb. 6:13-16
3. Dapat pag-isipan ng sinumang sumusumpa ayon sa Salita ng Diyos ang kabigatan ng ganyang taimtim na gawa at maging lubhang maingat na ipilit ang anuman maliban sa kanyang nalalamang katotohanan, sapagka't sa pamamagitan ng walang ingat, bulaan at walang kabuluhang mga panunumpa ang Panginoon ay nagagalit. Dahil sa kanila, ang isang bansa ay dinadala sa kapighatian.(4)
- Ex. 20:7; Lev. 19:12; Blg. 30:2; Jer. 4:2
4. Ang pagsumpa ay dapat gamitan ng mga salitang maliwanag at makabuluhan, na hindi nagdadalawang kahulugan ni may paglilihim.(5)
- Aw. 24:4; Jer. 4:2
5. Ang pananata ay tanging sa Diyos lamang at hindi sa karaniwang nilikha.(6) Minsang magawa ang mga ito, dapat itong ganapin ng buong ingat at katapatan.(7) Datapuwa't ang mga panatang pang-monghe ng pananatili sa buhay na walang asawa,(8) pagpapakadukha,(9) at walang pasubaling pagsunod na ukol sa Iglesiang Romano ay hindi naglalarawan ng higit na kabanalan. Ang mga ito ay mga pamahiin lamang at mga makasalanang silo na hindi kakasangkutan ng sinumang tunay na mananampalataya.(10)
- Blg. 30:2-3; Aw. 76:11; Jer. 44:25-26
- Blg. 30:2; Aw. 61:8; 66:13-14; Ec. 5:4-6; Isa. 19:21
- 1 Cor. 6:18 at 1 Cor. 7:2,9; 1 Tim. 4:3
- Ef. 4:28
- Mat. 19:11-12; 1 Cor. 7:23
The Reformed Reader Home Page
Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved |