|
Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689
A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith
1. Ang Diyos na kataas-taasang Panginoon at Hari ng buong sanlibutan ay nagtatag ng pangmamamayang pamahalaan sa ilalim Niya. Itinatag Niya ang mga ito upang pamahalaan ang lahat ng mga tao,(1) sa Kanyang sariling ikaluluwalhati at sa ikabubuti ng madla.(2) Upang matamo ang mga layuning ito, ibinigay Niya sa kanila ang mga kapangyarihan ng buhay at kamatayan, para sa pagtatanggol at pagpapalakas-loob sa mga gumagawa ng mabuti at sa ikapaparusa ng mga gumagawa ng masama.(3)
- Aw. 82:1; Lu. 12:48; Rom. 13:1-6; 1 Ped. 2:13-14
- Gen. 6:11-13 at 9:5-6; Aw. 58:1-2; 72:14; 82:1-4; Kaw. 21:15; 24:11-12; 29:14,26; 31:5; Ez. 7:23; 45:9; Dan. 4:27; Mat. 22:21; Rom. 13:3-4; 1 Tim. 2:2; 1 Ped. 2:14
- Gen. 9:6; Kaw. 16:14; 19:12; 20:2; 21:15; 28:17; Gawa 25:11; Rom. 13:4; 1 Ped. 2:14
2. Matuwid para sa mga Cristiano na tanggapin at tuparin ang mga tungkulin ng pamahalaan kung inaatasang gawin ito.(4) Sa pagtupad ng ganitong tungkulin, sila ay may pananagutang panatilihin ang katarungan at kapayapaan, ayon sa mabubuting batas ng kanilang bansa. Sa panahon ng Bagong Tipan, maaari silang makipagdigma kung ito ay makatarungan at kinakailangan.(5)
- Ex. 22:8-9,28-29; Buong Aklat ng Nehemias; Kaw. 14;35; 16:10,12; 20:26,28; 25:2; 28:15-16; 29:4,14; 31:4-5; Buong Aklat ng Daniel; Rom. 13:2,4,6
- Lu. 3:14; Rom. 13:4
3. Ang mga pinuno ng pamahalaan ay itinatag ng Diyos para sa mga layuning nabanggit. Dapat pasakop sa kanila ang mga Cristiano(6) hinggil sa lahat ng mga matuwid na bagay na iniuutos sa kanila(7) alang-alang sa Panginoon, hindi lamang para maiwasan ang kaparusahan kundi para sa budhi rin. Dapat silang manaing at manalangin para sa mga hari at sa lahat ng nasa mataas na kalagayan upang sila'y mamuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at kahusayan.(8)
- Kaw. 16:14-15; 19:12; 20:2; 24:21-22; 25:15; 28:2; Rom. 13:1-7; Tit. 3:1; 1 Ped. 2:13-14
- Dan. 1:8; 3:4-6,16-18; 6:5-10,22; Mat. 22:21; Gawa 4:19-20; 5:29
- Jer. 29:7; 1 Tim. 2:1-4
The Reformed Reader Home Page
Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved |