committed to historic Baptist & Reformed beliefs

 

history

documents

library

biography

 

Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689

A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith

 

KABANATA 25:  ANG PAG-AASAWA

1. Ang pag-aasawa ay sa isang lalaki at sa isang babae. Hindi matuwid para sa kaninumang lalaki na magkaroon ng higit sa isang asawa ni para sa kaninumang babae na magkaroon ng higit sa isang asawa, sa isang panahon.(1)

  1. Gen. 2:24; Mal. 2:14; Mat. 19:5-6; 1 Tim. 3:2; Tit. 1:6

2. Itinatag ng Diyos ang pag-aasawa para sa pagtutulungan ng mag-asawa,(2) sa pagpaparami ng sangkatauhan ayon sa Kanyang mga kautusan,(3) at sa pagsansala sa kahalayan.(4)

  1. Gen. 2:18; Kaw. 2:17; Mal. 2:14
  2. Gen. 1:28; Aw. 127:3-5; 128:3-4
  3. 1 Cor. 7:2,9

3. Matuwid para sa lahat ng uri ng tao na mag-asawa, kung sa kanilang palagay ay makapagbibigay sila ng pagsang-ayon.(5) Datapuwa't tungkulin ng mga Cristiano na mag-asawa sa kalooban lamang ng Panginoon. Dahil dito, ang mga nagpapalagay na sila'y mga Cristiano ay hindi dapat mag-asawa sa mga di-manananampalataya at sa mga sumasamba sa diyus-diyusan. Hindi rin nararapat sa mga mananampalataya na makipamatok sa mga taong namumuhay sa kasamaan o naniniwala sa kasumpa-sumpang hidwang pananampalataya.(6)

  1. 1 Cor. 7:39; 2 Cor. 6:14; 1 Tim. 4:3; Heb. 13:4
  2. Neh. 13:25-27; 1 Cor. 7:39; 2 Cor. 6:14

4. Hindi dapat na mag-asawa ang mga magkakamag-anak na ipinagbabawal sa Salita ng Diyos. Ang mga gayong ipinagbabawal na pagpipisan ay hindi kailanman maaaring maging matuwid sa pamamagitan ng anumang batas ng tao o pagsang-ayon ng mga nasasangkot. Ang mga ito ay hindi kailanman maaaring magsama bilang mag-asawa.(7)

  1. Lev. 18:6-18; Amos 2:7; Mar. 6:18; 1 Cor. 5:1
 
 
The Reformed Reader Home Page 


Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved