committed to historic Baptist & Reformed beliefs

 

history

documents

library

biography

 

Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689

A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith

 

KABANATA 27:  ANG PAKIKISAMA NG MGA BANAL

1. Ang lahat ng mga banal ay pinag-isa kay Jesu-Cristo(1) na kanilang ulo sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu at ng pananampalataya.(2) Subali't hindi nangangahulugan na sila ay naging isang persona kasama Niya.(3) Gayon man sila ay may pakikisama sa Kanyang pagpapala, pagdurusa, pagkamatay, pagkabuhay na mag-uli at kaluwalhatian.(4) Bukod dito, dahil sa sila ay nagkakaisa sa pag-iibigan, mayroon silang pakikisama sa mga kaloob at pagpapala ng isa't isa.(5) Sila ay may tungkulin na maglingkuran upang itaguyod ang kapakanan ng bawa't isa, sa espirituwal at gayon din sa materyal na mga bagay.(6)

  1. Juan 17:2,6; Rom. 6:8; 8:2,17; 1 Cor. 6:17; Ef. 1:4; 2 Ped. 1:4
  2. 2 Cor. 3:17-18; Gal. 2:20; Ef. 3:16-17
  3. Aw. 45:7; Isa. 42:8; 1 Cor. 8:6; Col. 1:18-19; 1 Tim. 6:15-16; Heb. 1:8-9
  4. Juan 1:16; 15:1-6; Rom. 4:25; 6:1-6; Ef. 2:4-6; Fil. 3:10; Col. 3:3-4; 1 Juan 1:3
  5. Juan 13:34-35; 14:15; Rom. 14:7-8; 1 Cor. 3:21-23; 12:7,25-27; Ef. 4:15-16; 1 Ped. 4:10
  6. Rom. 1:12; 12:10-13; Gal. 6:10; 1 Tes. 5:11; 1 Ped. 3:8; 1 Juan 3:17-18

2. Sa kanilang pagpapahayag ng pananampalataya, ang mga banal ay nakalaan na panatilihin ang banal na pakikisama at pagkakaisa sa pagsamba sa Diyos at sa pagganap ng mga iba pang tanging paglilingkod sa pagtataguyod ng kapakanan ng isa't isa.(7) Dapat din silang magtulungan sa isa't isa sa kanilang mga panlupang mga bagay ayon sa kanilang iba't ibang kakayahan at pangangailangan.(8) Ang ganitong pagkakaisa, ayon sa tuntunin ng ebanghelyo, ay dapat nilang ganapin sa kanilang pagsasamahan, maging ito'y sa pami-pamilya o mga iglesia.(9) Kung paanong ipinagkakaloob ng Diyos ang pagkakataon, ang gayong pagkakaisa ay dapat ding ipaabot sa lahat ng sambahayan ng pananampalataya, samakatuwid baga'y sa lahat ng nasa bawa't dako na tumatawag sa pangalan ng Panginoong Jesus.(10) Datapuwa't, hindi inaalis ng gayong pakikisama ang pagmamay-ari ng isang tao sa kanyang mga tinatangkilik at ari-arian.(11)

  1. Heb. 3:12-13; 10:24-25
  2. Gawa 11:29-30; Rom. 15; 2 Cor. 8:9
  3. 1 Cor. 12:27; Ef. 6:4; 1 Tim. 5:8,16
  4. Gawa 11:29-30; Rom. 15; 1 Cor. 12:14-27; 2 Cor. 8-9; Gal. 2:6-10
  5. Ex. 20:15; Gawa 5:4; Ef. 4:28
 
 
The Reformed Reader Home Page 


Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved