committed to historic Baptist & Reformed beliefs

 

history

documents

library

biography

 

Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689

A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith

 

KABANATA 29:  ANG BAUTISMO

1. Ang bautismo ay isang ordinansiya ng Bagong Tipan na itinatag ni Jesu-Cristo. Sa taong binautismuhan, ito ay isang tanda ng kanyang pakikisama kay Cristo sa Kanyang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli, at sa kanyang pagkakalakip kay Cristo,(1) at sa pagpapatawad ng mga kasalanan.(2) Ipinapahayag din nito na ang binautismuhan ay nagbigay ng kanyang sarili sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo upang siya ay mabuhay at makalakad sa panibagong buhay.(3)

  1. Rom. 6:3-5; Col. 2:12; Gal. 3:27
  2. Mar. 1:4; Gawa 22:16
  3. Rom. 6:4

2. Ang mga taong tanging nakapagpapasakop sa mga ordinansiyang ito ay yaong mga tunay na nagpapahayag ng pagsisisi sa Diyos at pananampalataya at pagsunod sa ating Panginoong Jesu-Cristo.(4)

  1. Jer. 31:31; Mat.3:1-12; 21:43; 28:19-20; Mar. 1:4-6; 16:15-16; Juan 1:12-13; 4:1-2; Gawa 2:37-41, 8:12,36-38; 9:18; 10:47-48; 11:16; 15:9;16:14-15,31-34; 18:8; 19:3-5; 22:16; Rom. 6:3-4; Gal. 3:27; Fil. 3:3; Col. 2:12; 1 Ped. 3:21

3. Ang ginagamit sa ordinansiyang ito ay tubig at dito ang mananampalataya ay binabautismuhan(5) sa pangalan ng Ama, at ng Anak, at ng Banal na Espiritu.(6)

  1. Mat. 3:11; Gawa 8:36,38; 22:16
  2. Mat. 28:18-20;

4. Ang paglubog o pagtubog ng mananampalataya sa tubig ay lubhang kinakailangan para sa nararapat na pangangasiwa ng ordinansiyang ito.(7)

  1. 2 Hari 5:14; Aw. 69:2; Isa. 21:4; Mat. 3:11,16; Mar. 1:5,8-9; 7:3-4; 10:38-39; Lu. 12:50; Juan 3:23; Gawa 1:5,8; 2:1-4,17; 8:38; Rom. 6:4; 1 Cor. 10:1-2; Col. 2:12
 
 
The Reformed Reader Home Page 


Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved