|
Pagpapahayag ng Pananampalatayang Baptist ng 1689
A Pilipino (Tagalog) Translation of The 1689 Baptist Confession Of Faith
1. Bumabalik ang mga katawan ng mga tao sa alabok pagkamatay at nabubulok,(1) nguni't ang kanilang mga kaluluwa na hindi namamatay ni natutulog ay bumabalik agad sa Diyos na nagbigay sa kanila.(2) Ang mga kaluluwa ng mga matuwid, na pinasasakdal sa kabanalan pagkamatay, ay tinatanggap sa paraiso kasama ni Cristo. Tinitingnan nila ang mukha ng Diyos sa liwanag at kaluwalhatian, at naghihintay sila sa lubos na katubusan ng kanilang mga katawan.(3) Ang mga kaluluwa ng mga masasama ay itinatapon sa impiyerno at doon sila ay nananatili sa pagdurusa at lubhang kadiliman, na nalalaan sa paghuhukom sa dakilang araw.(4) Ayon sa Banal na Kasulatan, wala nang ibang lugar pa maliban sa dalawang ito para sa kaluluwang nahiwalay sa kanilang mga katawan.
- Gen. 2:17; 3:19; Gawa 13:36; Rom. 5:12-21; 1 Cor. 15:22
- Gen. 2:7; Ec. 12:7; Mat. 10:28; San. 2:26
- 1 Hari 8:27-49; Aw. 23:6; Isa. 63:15; 66:1; Lu. 23:43; Gawa 1:9-11; 3:21; 2 Cor. 5:1,6-8; 12:2-4; Ef. 4:10; Fil. 1:21-23; Heb. 1:3; 4:14-15; 6:20; 8:1; 9:24; 12:23; Apoc. 6:9-11; 14:13; 20:4-6
- Lu. 16:23-26; Gawa 1:25; 1 Ped. 3:19; 2 Ped. 2:9
2. Sa huling araw, ang mga banal na nabubuhay sa sanlibutan ay hindi mamamatay kundi mababago.(5) Ang lahat ng mga patay ay ibabangon(6) sa kanilang mismong katawan at wala nang iba,(7) bagama't iba't iba ang katangian,(8) at ang mga katawang ito ay masas?ang muli sa kanilang kaluluwa magpakailanman.(9)
- 1 Cor. 15:50-52; 2 Cor. 5:1-4; 1 Tes. 4:17
- Dan. 12:2; Juan 5:28-29; Gawa 24;15
- Job 19:26-27; Juan 5:28-29; 1 Cor. 15:35-38, 42-44
- 1 Cor. 15:42-44; 52-54
- Dan. 12:2; Mat. 25:46
3. Ang mga katawan ng mga di-matuwid ay ibabangong mag-uli sa kasiraang puri,(10) sa kapangyarihan ni Cristo; ang mga katawan ng mga matuwid sa Kanyang Espiritu(11) sa kaluwalhatian,(12) ay magiging katulad ng Kanyang sariling maluwalhating katawan.(13)
- Dan. 12:2; Juan 5:28-29
- Rom. 8:1,11; 1 Cor. 15:54; Gal. 6:8
- 1 Cor. 15:42-49
- Rom. 8:17,29-30; 1 Cor. 15:20-23,48-49; Fil. 3:21; Col. 1:18; 3:4; 1 Juan 3:2; Apoc. 1:5
The Reformed Reader Home Page
Copyright 1999, The Reformed Reader, All Rights Reserved |